^

PSN Palaro

Aplikasyon ng Ever Bilena, Colombian tatalakayin ng PBA Board

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ba ng 12 koponan para sa susunod na season ng Philippine Basketball Association (PBA)?

Ang naturang katanu­ngan ay inaasahang masasagot ngayong araw sa pagtalakay sa aplikasyon ng dalawang kompanya sa pulong ng PBA Board of Governors.

Ang dalawang nais makakuha ng prangkisa sa PBA para sa susunod na season ay ang Ever Bilena Cosmetics at ang Columbian Autocar Corp.

Ang Colombian, isang Korean carmaker, ang naunang nagsumite ng letter of intent sa PBA Board of Governors kasunod ang Ever Bilena nina chairman at chief executive officer Dioceldo Sy at chief opera­ting officer Silliman Sy.

Handa ang Ever Bilena na magpaluwal ng P100 mil­yon para makakuha ng prangkisa sa professional league.

Kung maaaprubahan ang kanilang aplikasyon ay gagamitin ng Ever Bilena ang Blackwater brand na kanilang ibinabandera sa kasalukuyan sa PBA D-League.

Gagamitin naman ng Co­lombian ang Kia brand kung aprubahan ang ka­nilang pagpasok sa liga.  

Bukod sa Ever Bilena at Columbian, naghihintay din ng pagkakataon ang Hapee Toothpaste, dati nang nag­lalaro sa PBL, at ang NLEX na palagiang naghahari sa PBA D-League. (RC)

ANG COLOMBIAN

BOARD OF GOVERNORS

COLUMBIAN AUTOCAR CORP

D-LEAGUE

DIOCELDO SY

EVER BILENA

EVER BILENA COSMETICS

HAPEE TOOTHPASTE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with