Jarin pangangasiwaan ang training session para sa mga kalahok sa Seaoil NBTC HS All-Star Game
MANILA, Philippines - Magsasagawa si Mike Jarin, ang head coach ng Philippine Youth team na sasabak sa FIBA U17 World Championship For Men sa Agosto sa Dubai, ng isang training session sa Biyernes para sa isang selection team na lalahok sa Seaoil NBTC High School All-Star Game sa Marso 9 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Ang All-Star Game ang magiging tampok sa March 6-9 Seaoil NBTC League National High School Finals, ang official grassroots development program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na itinataguyod ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex, Philipine Star at Molten.
Tuturuan ni Jarin, gumiya sa RP Youth squad sa runnerup finish sa likod ng nagkampeong China sa 2013 FIBA-Asia U17 Championship sa Tehran, sina San Beda Red Cub Arvin Tolentino, National U’s Janhubert Cani at John Paul Cauilan at Chiang Kai Shek’s Mohammed Salim sa pang alas-7 ng gabing session sa Ynares Sports Arena.
- Latest