Azkals mapapalaban na sa Azerbaijan
MANILA, Philippines - Bitbit ang makapagtaÂtaas ng morale na scoreless draw sa Malaysia, haharapin ng Philippine Azkals ang mas matibay na Azerbaijan ngayong gabi sa Maktoum Bin Rashid Al Maktoum Stadium sa Dubai, United Arab EmiÂrates.
Ang laro ay magsisimula dakong alas-11 ng gabi sa Pilipinas at kahit mas mahirap na laban ang inaasahang haharapin ng nationals, tiyak na handa silang tanggapin ang hamon dahil ang matututunan ay magagamit para palakasin ang preparasyon sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives sa Mayo.
Ito ang ikalawang pagkakataon na didiskartehan ng bagong Azkals coach na si Thomas Dooley ang koponan at nakikita niyang may ilalabas pa ang manlaÂlaro na mas lumalim sa larong ito.
Ito ay dahil sa makakaÂsama ng Azkals ang mga European-based players na sina Stephan Schrock, Roland Muller, Jerry Lucena at Javier Patino na magpapatibay pa sa opensa at depensa ng koponan. (AT)
- Latest