Walang iwanan
Mainit pa ring pinag-uusapan ang nangyari sa Game 6 ng PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng San Mig Coffee at Rain or Shine nung Miyerkules.
Alam na nating lahat na ipinanalo ng San Mig ang laro at kinuha ang kanilang ikalawang sunod na championship sa PBA.
Sa gitna ng lahat, nasungkit din ni San Mig coach Tim Cone ang kanyang pang 16 na PBA title. Naungusan na niya ang batikang Maestro na si Baby Dalupan na may 15.
Pero laman pa rin ng mga diyaryo kamakalawa ang nakalipas na finals at mainit na topic ang walkout na ginawa ng Rain or Shine sa second quarter ng laro.
Kumakawala ang San Mig at hindi gusto ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang tawagan kaya maÂtapos ang isang masamang tawag ay nag-walkout ang team.
Pumasok sila sa dugout at parang ayaw nang buÂmalik. Nahimasmasan lang sila, kabilang na rito ang mga team owners na si Terry Que at Raymond Yu, nang puntahan sila ni PBA commissioner Chito Salud sa kanilang dugout.
Hinikayat silang bumalik sa laro at kung magmamatigas sila ay haharapin nila ang fine o penalty na aabot ng P10 milyon.
Malaking halaga ito kahit sa mayayamang may-ari ng Rain or Shine.
Madaling sabi, bumalik sila sa laro. Muntik pang manalo. Pero hindi na pinalad. Nag-champion ang San Mig.
Nag-desisyon na si commissioner at tinawag niya ang pangyayari bilang “partial walkout†at ayon sa PBA rules ito ay isang malaking pagkakamali.
Hinatulan niya ang Rain or Shine ng P2 milyon na penalty.
Walang magagawa ang Rain or Shine kundi magÂbayad. Nagsalita na rin ang team owners. Hindi raw nila sinisisi si coach Yeng sa nangyari.
“Meron kaming pinagsamahan. Walang iwanan,†ang wika ni Mr. Yu.
Wala ngang iwanan. Umulan man o umaraw.
- Latest


















