Cebu, Leyte at Negros palaban sa gold medal
MAASIN City Leyte , Philippines --Siyam na Cebuanos, limang Leyteños at apat na Negrenses ang umabante sa gold medal round ng PLDT-ABAP Visayas Area Boxing TourÂnament dito sa Maasin City gym.
Umiskor si Cebu City pride Marvin Pomar ng isang split decision, 2-1, kontra kay Rimon Rama ng ALA Gym sa semifinal round sa Jr. Boys pinweight (46kgs) division.
Makakatapat niya para sa gold medal si Romie Evale ng Maasin City na tumalo kay Shaquel Miole ng Maasin City Team B, 3-0, sa kanilang semis match.
Binigo naman ni Giovannie Argate ng Leyte Sports Academy (LSA) si Monsour Grullo ng Maasin City, 3-0, para labanan si Cebu City bet Marco Pomar na may bye sa Jr. Boys light Flyweight (48kgs) category.
Pinayukod ni Kit Ceron Garces ng Cebu City si Evan Maquilling ng Southern Leyte via unanimous decision, 3-0, para makatapat sa finals si Jeffrey Orello ng Maasin City na nalampasan ang isang standing eight count paÂtungo sa pagsibak kay Maasin City Team B pug Leo Domingo Napuli sa Jr. Boys flyweight (50kgs).
Naging inspirado dahil sa panonood ni Mayor Maloney Samaco, pumasok sa finals si Maasin City fighter Marlon Samblaceno mula sa 3-0 paggupo kay Jerick MaÂdrazo ng Southern Leyte.
Lalabanan niya para sa ginto si Mario Jaga Jr. ng Bago City na nagpatalsik kay Jumar Aquino ng Maasin City sa Jr. Boys light bantamweight (52kgs).
Umabante rin sa finals si ALA Gym boxer Jeffrey Estella na umiskor ng isang technical knockout win (TKO) sa 1:12 sa first round kay Julius Da Carpio ng Maasin City.
Haharapin niya sa ginto si Aljun Batistil ng Maasin City na nagtala ng via split decision 2-1 kay Justin Balanos sa Jr. Boys bantamweight (54kgs).
- Latest




















