^

PSN Palaro

James nagbida uli sa panalo ng Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Mula sa isang dark mask ay nagpalit si Le­Bron James ng suot na clear mask at umiskor siya ng 20 points para banderahan ang Miami Heat sa kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos talunin ang Orlando Magic, 112-98.

Sa kahilingan ng NBA, hinubad ni James ang kan­yang black mask na kanyang isinuot noong Huwe­bes bilang proteksyon sa nabali niyang ilong.

Kumolekta rin siya ng 9 rebounds at 7 assists sa pagsusuot niya ng clear mask.

Kumamada si Dwyane Wade ng 24 points at may 20 si Chris Bosh para sa Heat, nakakuha ng 39 points mula sa kanyang bench.

Matapos mabalian ng ilong, nakaiwas si James sa isa na namang injury nang sumalampak siya sa third row matapos maikonekta ang isang fast-break layup.

Itinala ng Heat ang 10-1 record sapul noong Pebrero 1 at naipanalo ang kanilang huling apat na laro na may average na 19 points.

Nagtala naman si Tobias Harris ng 20 points para sa Magic kasunod ang 18  ni Nikola Vucevic.

Sa Philadelphia, nagsalpak si Trevor Ariza ng walong 3-pointers at tumapos na may career-high 40 points para igiya ang Wa­shington Wizards sa 122-103 panalo laban sa Philadelphia 76ers.

Ito ang ika-anim na sunod na panalo ng Wizards.

Naipasok ni Ariza ang lahat ng kanyang anim na 3-point attempts sa first quarter para sa kanyang 24 points.

Nalasap naman ng 76ers ang kanilang ika-13 na laro sa gabi kung saan nila iniretiro ang No. 3 jersey ni Allen Iverson na isinabit sa rafters sa pagitan ng No. 10 ni Maurice Cheeks at No. 34 ni  Charles Barkley.

Sa Portland, Oregon, tumapos si Robin Lopez ng 18 puntos, naging maganda naman ang pagbabalik ni LaMarcus Aldridge mula sa injury nang gumawa ng 16 puntos at tinulungan ang Blazers na itakas ang 102-96 tagumpay sa Denver Nug­gets.

Naglista naman si Nicolas Batum ng career-high 16 rebounds para sa Portland.

Sa iba pang resulta, ti­nalo ng Houston Ro­ckets ang Detroit Pistons, 118-110; hiniya ng Indiana Pacers ang Boston Celtics, 102-97; pinayuko ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks,107-98; tinalo ng Memphis Grizzlies ang Cleveland Cavaliers, 110-96 at namayani ang Minnesota Timberwolves sa Sacramento Kings, 108-97.

ALLEN IVERSON

BOSTON CELTICS

BRON JAMES

BROOKLYN NETS

CHARLES BARKLEY

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUG

DETROIT PISTONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with