Ateneo humirit pa sa NU
Laro sa Sabado
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. NU vs Ateneo (Men’s finals)
4 p.m. Ateneo vs NU (Women’sw semis)
MANILA, Philippines - Naihirit ng Ateneo ang sudden death sa National University matapos kunin ang 25-17, 12-25, 31-29, 28-26, panalo kagabi sa UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals sa The Arena sa San Juan City.
Hindi nagpapigil si Alyssa Valdez pero naroroon din ang suporta ng mga kaÂÂsamahan para manatiÂling buhay ang paghahabol sa ikatlong pagtapak sa Finals.
May 29 puntos si Valdez na kinatampukan ng 24 kills, dalawang blocks at tatlong aces at siya ang sinandalan sa mga mahaÂhalagang plays upang kunin ang una sa dalawang laro na kailangang itala sa Lady Bulldogs.
Hindi naman nagpahuli ang ibang kakampi tulad nina Jorella Marie de Jesus at Michelle Karhereen MoÂrente na nag-ambag ng 16 at 12 puntos habang ang libero na si Dennise Lazaro ay may 13 mahahalagang digs.
Gumana ang atake ng Lady Eagles lalo na sa 3rd set nang hawakan ang 20-9 abante para baleÂwalain ang 3-8 kalamangan ng Lady Bulldogs sa blocks.
Tinapos naman ng National University ang Final Four sa kalalakihan sa pagposte ng 25-19, 25-19, 25-18, panalo sa Adamson. (ATan)
- Latest
















