^

PSN Palaro

Adamson isinubi ang 4-peat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ng Adamson ang naging misyon sa 76th UAAP women’s softball nang talunin uli ang National University, 8-1, sa Game Two ng Finals kahapon sa Rizal Memorial Field.

Si Analie Benjamen ay nagtala ng limang strikeouts at sa opensa ay gumawa ng dalawang runs para pa­munuan ang Lady Falcons tungo sa pagrehistro ng 14-0 sweep.

Ito rin ang ika-48 sunod na panalo ng Adamson  mula 2010 at nai­bulsa rin ng koponan ang ikaapat na sunod na titulo tungo sa pang-13 sa pangkalahatan.

“Pinaghirapan ito ng mga players dahil buong season ay naka-focus sila na mag-champion. Ito ang mahalaga sa amin at ang 48-0 ay bonus na lamang,” wika ni champion coach Ana Santiago.

Si Clariza Palma na siyang nagpasiklab sa 11-3 panalo sa unang tunggalian, ay may dalawang RBIs habang si Angelie Ursubia ay naghatid ng tatlong runs.

Bagamat umabot ng pitong innings, hindi naman nagkaproblema ang Lady Falcons dahil angat sila sa 7-0 matapos ang upper frame ng sixth inning.

Si Arrian Vallestero ang nagtiyak na hindi mabobokya ang Lady Bulldogs sa laro sa kinuhang run sa bottom sixth para kahit paano ay lagyan din ng ningning ang ikalawang sunod na 2nd place ng National University.

Ang titulo ay magandang pamamaalam sa mga gra­duating players na sina Rizza Bernardino, Julie Muyco, Luzviminda Embudo, Elvie Entrina at Carol Banay.

May baon pa si Bernardino dahil ang MVP noong nakaraang season ay siyang kinilala bilang Most Homeruns at Best Pitcher habang si Benjamen ang Best Slugger at MVP.  Si Embudo ang Best Hitter habang si Vallestero ang kinilala na Most Stolen Bases. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON

ANA SANTIAGO

ANGELIE URSUBIA

BEST HITTER

BEST PITCHER

BEST SLUGGER

CAROL BANAY

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with