Smart runners nagningning sa local at international marathon
MANILA, Philippines - Pinangunahan ng mga empleyado ng Smart Communications, Inc. (Smart) ang limang local and international marathons sa nakaraang dalawang linggo, kasama rito ang ultramarathon na higit sa standard na 42.195 kilometers.
Binanderahan nina senior training supervisor Carl Balagot, corporate wireless consultant Carlo Gonzalez at security officer Sandy Alentajan ang unang 250-kilometer ultramarathon mula Rizal Park sa Manila hanggang Baguio sa loob ng tatlong araw.
Tinakbo nila ang 90 km sa unang araw at 90 km sa ikalawa at 70 km sa huling araw.
Dinaig naman nina senior engineers Alfeus delos Santos at Arvin Arcilla, administrative assistant MaÂrian Mera at senior supervisor Felipe Mascareñas ang uphill challenges ng LuÂneta-to-Tagaytay ultramarathon na may distansyang 62 km.
Tinapos din ni Arcilla ang 42.195-km Standard Chartered Hong Kong marathon na kinikilala bilang isa sa piakamahirap na road races sa buong mundo ng International Association of Athletics Federations.
Nasa hanay ng mga finishers sina public affairs manager Jill Lava, infrastructure at operations manager Marvin Cabataña, senior specialist Delia Majam at project management officer Patrick Peig.
Samantala, pumaÂngatÂlo si channel commuÂnications supervisor Karen Macapagal sa 8km caÂteÂgory ng Amway Fun Run sa Davao City.
- Latest