^

PSN Palaro

Rhodes gagayahin ang estilo ni Bradley sa pakikipag-spar kay Pacquiao

QHenson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handang bigyan ng matitinding sparring ni Lydell (Haskell) Rhodes si Manny Pacquiao na naghahanda para sa rematch nila ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Dumating si Rhodes ng Manila noong Linggo at tumulak kinabukasan patungong General Santos City na kung saan si Pacquiao ay nagsasagawa ng paunang pagsasanay.

Tiniyak ng 26-anyos na si Rhodes na hindi pa natatalo sa 19 na laban na kaya niyang gayahin ang mga galaw ni Bradley upang maging epektibong sparmate ng Pambansang kamao.

Hindi rin siya mag-a­alanganin na magpakawala ng malalakas na suntok para makatulong sa plano ni Pacman na mabawi ang nawalang titulo.

“I’ll be glad to do what I can do as a sparring part­ner. I’ve got the lateral movement and footwork to mimic Bradley. I’ll do what Bradley is likely to do du­ring the fight,” pahayag ni Rhodes.

Ito ang unang pagkaka­taon na makakasama siya sa paghahanda ni Pacquiao at nasasabik siya sa oportunidad lalo pa’t hi­nahangaan niya ang natatanging 8-division world champion bilang isang tao.

“As a person, I think Manny’s a great man who does a lot for his country. As an athlete, he’s one of the best out there. He punches hard, he’s so quick, he’s got excellent footwork. I hope to learn a lot about boxing with him,” dagdag pa ng tubong Spencer, Oklahoma na si Rhodes.

ABRIL

BRADLEY

DUMATING

GENERAL SANTOS CITY

GRAND ARENA

HANDANG

LAS VEGAS

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with