^

PSN Palaro

Saints kumakaway sa titulo sa NCRAA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos umarangkada sa kaagahan ng laro ay hindi na nilingon pa ng St. Clare College Saints ang Phi­lippine Merchant Marine School patungo sa kanilang 70-53 panalo sa Game 1 at makalapit sa pag-angkin sa korona ng 21st National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball championship kahapon sa Olivarez College gym sa Sucat, Parañaque.

Umiskor sina Gil Marte at Jayson Ibay ng 18 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa 1-0 abante ng Saints sa kanilang best-of-three title series ng Mariners.

Nagdagdag si Mark Dulalia ng 12 para sa St. Clare, winalis ang 12-game elimination-round assignments para makuha ang outright seat sa finals.

Pipiliting kunin ng Saints ang korona bukas sa Game Two sa cagefest na suportado ng Mikasa at Molten Balls.

Tumipa naman si Jess Quilatan ng 12 puntos ka­­sunod ang 11 ni Elvin Chan para sa Mariners, lumamang sa 10-1 sa first period bago natahimik sa sumunod na mga yugto.

Sa women’s finals, binigo ng La Salle-Dasmariñas ang Rizal Technological University, 74-63, sa Game 1.

 

ELVIN CHAN

GAME TWO

GIL MARTE

JAYSON IBAY

JESS QUILATAN

LA SALLE-DASMARI

MARK DULALIA

MERCHANT MARINE SCHOOL

MOLTEN BALLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with