^

PSN Palaro

2-peat ‘di na pakakawalan ng Ateneo batters sa UAAP baseball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Angkinin ang ikalawang sunod na titulo sa UAAP baseball ang nakataya sa Ateneo sa pagharap uli sa La Salle sa Game Two ng Finals sa Rizal Memorial Diamond.

Dumaan sa extension ang unang pagtutuos at pinalad ang Eagles na maitakas ang 10-8 panalo sa Archers noong nakaraang Biyernes.

Base sa nakita sa unang pagtutuos, tiyak na magiging dikitan ang ta­gi­san dahil makakaasang gagawin ng nangunang ko­ponan matapos ang eli­mination round na Archers ang maipanalo ang laro at maihirit ang deciding Game Three.

Sa ganap na alas-12 ng tanghali itinakda ang bakbakan at mapapanood muna ang pagbubukas ng softball Finals sa pagitan ng three-time defending champion Adamson laban sa pumangalawang National University sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang dalawang paaralan ang nagtuos din noong nakaraang season at winalis ng Lady Falcons ang Lady Bulldogs para makumpleto ang 14-0 marka.

Bitbit uli ng tropa ni coach Ana Santiago ang mahirap na matibag na thrice-to-beat advantage bunga ng 12-0 sweep sa elimination round pero handa ang Lady Bulldogs na harapin ang hamon para maibigay sa paaralan ang kauna-unahang softball title .

 

ADAMSON

ANA SANTIAGO

GAME THREE

GAME TWO

LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with