^

PSN Palaro

Lady Eagles ipinagkait sa Lady Tams ang semis berth

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigo ng Ateneo De Manila University ang hangad na puwesto sa step-ladder semifinals ng Far Eastern University sa pamamagitan ng 25-17, 25-19, 25-16 panalo sa pag­tatapos ng elimination round ng UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gumana ang laro nina Alyssa Valdez at Michelle Kathereen Morente, habang matikas din ang service game ng Lady Eagles para tapusin ang kampan­ya sa 10-4 baraha.

May 19 kills patungo sa 21 puntos si Valdez.

Si Morente ay may apat na aces naman para isama sa 10 hits patungo sa 14 puntos.

Tinapos ng Lady Eagles ang labanan bitbit ang 14 aces maliban pa sa 38 kills at limang blocks.

Walang player ng Lady Tams na nagtala ng doble pigura sa larong tumagal lamang ng 67 minuto.

Si Samantha Dawson ang tanging nagdala para sa FEU mula sa kanyang siyam na puntos.

Tumapos ang Lady Tams na may 6-8 baraha pa­ra makasalo ang pahi­ngang Adamson Lady Fal­cons sa ikaapat na pu­wes­to.

Ang FEU at Adamson ay magtutuos sa Miyer­kules sa isang playoff para makumpleto ang step-ladder semis.

Ang mananalo sa playoff ang makakaharap ng Ateneo.

Ang mananalo naman sa pangalawang semis match ang siyang hahamon sa pumangalawang National University na may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang three-time defen­ding champion na La Salle ay dumiretso na sa Finals at may hawak na ‘thrice-to-beat’ advantage matapos ang 14-0 sweep.

Tinapos ng UP ang apat na taon na hindi naka­katikim ng magkasunod na panalo sa pamamagitan ng 25-16, 25-21, 25-18 tagumpay kontra sa UE.

Noon pang Enero 12 at 16, 2010 huling nakadalawang sunod na panalo ang Lady Maroons nang gapiin ang National University.

May 3-11 baraha ang UP, habang ang UE ay hin­di nakatikim ng panalo sa kabuuan ng season.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FAL

ALYSSA VALDEZ

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

LADY EAGLES

LADY TAMS

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with