^

PSN Palaro

Martinez nakasabayan ang idol na si Chan sa Sochi

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod sa paglapag sa ika-19 puwesto, isa pa sa ita­tangi ni Michael Christian Martinez sa ginawang pag­sali sa Winter Olympics ay ang pagkakataong maka­ha­rap at makasabayan sa kom­petisyon ang Canadian World champion na si Patrick Chan.

Isa si Chan sa mga ini­idolo ng 17-anyos na si Mar­tinez at aminado siyang ti­nututukan ang mga galaw gamit ang YouTube.

Pero nagkaroon siya ng pag­ka­kataong sabayan sa pagsasanay si Chan dahil pa­reho silang maagang du­­mating sa Sochi, Russia.

“I really liked him. He was really friendly and kind, sur­prisingly for a world cham­pion,” wika ni Martinez sa panayam ng The Ca­nadian Press.

Tinuruan pa siya ng ilang galaw ni Chan na kanyang nagamit para mapaganda rin ang ipinakita sa dalawang araw na kompetisyon sa figure skating.

“It felt really great. I feel like a world champion because I’m skating with Patrick Chan,” pahayag pa ng tubong Muntinlupa City.

Hindi naman pinalad si Chan sa kompetisyon dahil nakontento siya sa pilak na medalya kasunod ng nag­kampeon na si Yuzuru Han­yu ng Japan.

Pinahanga ni Martinez, ang kauna-unahang Filipi­no at South East Asian figure skater na nakasali sa Winter Games, ang mga nano­od dahil sa halos walang pag­kakamaling routine, kabilang ang matagumpay na pagsasagawa sa triple alxe at loops.

Nabigyan si Martinez ng 64.81 puntos sa short program at 119.44 sa free stakes tungo sa 184.25 puntos para sa 19th puwesto sa 24 manlalaro na umabante sa medal round.

Nanguna naman si sportsman/businessman Man­ny V. Pangilinan sa pag­kilala sa husay ni Mar­ti­nez nang bigyan ito ng $10,000.00 (P450,000.00) bi­lang insentibo.

 

CANADIAN WORLD

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

MUNTINLUPA CITY

PATRICK CHAN

SHY

SOUTH EAST ASIAN

WINTER GAMES

WINTER OLYMPICS

YUZURU HAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with