^

PSN Palaro

RTU-2 belles pasok sa semis sa Petron Beach volley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniya ng collegiate team Rizal Technological University-2 na sina Priscilla Catacutan at Jessa Aranda ang beteranong Caga­yan Valley-1 nina Angeli Tabaquero at Janine Marciano sa 22-20 upset sa pagpapatuloy ng 2014 1st leg Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa Santa  Ana, Cagayan.

Humabol sina Catacutan at Aranda mula sa anim na puntos na pagkakalubog gamit ang mas masidhing determinasyon para pumasok sa semifinals sa namanghang manonood sa Anguib beach.

Ang placement shot ni Aranda na nasundan ng drop shot ni Catacutan ang bumasag sa huling tabla sa 22-all.

Tinapos ng RTU-2 ang elims sa Group A bitbit ang 3-1 karta para makatabla sina Air Force-2 nina Genalyn Andaya at Ana Abanto at Perpetual Help-2 nina Abigail Nuval at Hyrize Macabuhay.

Pero mas mataas ang quotient ng RTU para manatiling palaban sa titulo sa ligang handog ng Petron at suportado ng Cagayan Economic Zone Authority, ang provincial government ng Cagayan at Mikasa balls.

Nakaabante sa Group B ang PAF-1 nina Iari Yongco at Judy Caballejo at ang Cagayan Valley-2 nina Pau Soriano at Leuseth Dawis.

 

ABIGAIL NUVAL

AIR FORCE

ANA ABANTO

ANGELI TABAQUERO

ARANDA

BEACH VOLLEYBALL TOURNAMENT

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

CAGAYAN VALLEY

CATACUTAN

GENALYN ANDAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with