Sa Asian Men’s Club Volleyball Championship PVF kumpiyansa sa National team, nalagay sa magaang na grupo
MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang PhiÂlippine Volleyball Federation (PVF) na magiging maÂganda ang kampanya ng National team na isasabak sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na inihahandog ng PLDT Home Fibr.
Ito ay matapos makasama ng Philippine Team sa Pool A ang Iraq, Mongolia at Kuwait sa idinaos na drawing of lots kahapon sa Grand Ballroom ng New World Hotel sa Makati.
“It’s a good draw, and we’re hoping that we can do well in our group,†sabi ni PVD president Karl Chan na nakasama rin sina Organizing Committee Chairman Philip Ella Juico na dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), Ramon Suzara, ang Chairman ng AVC Development and MarkeÂting Committee at miyembro ng FIVB Development Commission, at Shanrit Wongprasert, ang Asian Volleyball Confederation Executive Vice President at Chairman ng AVC Sports Events Council.
Nakatakda ang Asian Men’s Club Volleyball Championship, ang qualifying event para sa 2014 World Men’s Championships na idaraos sa Brazil sa Mayo 6-11, sa Abril 8-16 sa tatlong magkakaibang venue.
Ang torneo ay isasagawa sa Cuneta Astrodome sa Pasay, Ynares Sports Center sa Pasig at sa MOA Arena sa Pasay City.
Maliban sa tatlong major tournament venues, inihayag din ng nag-oorgaÂnisang SportsCore na ang team practice sessions ay gagawin sa Rizal Memorial Coliseum, Emilio Aguinaldo College gym, Philippine Army gym, Lourdes School gym at sa Meralco gym.
Ang Pool B ay binubuo ng nagdedepensang Iran, Japan, Lebanon at Vietnam, habang nasa Pool C ang Qatar, Kazakhstan, Oman, Turkmenistan at Hong Kong.
Ang Taipei, China, UniÂted Arab Emirates, India at Papua New Guinea ang bumubuo naman sa Pool D.
Ang kanilang mga kinatawan sa embahada ang sumaksi sa naturang draÂwing of lots.
- Latest