Mixers kakasahan ang E-Painters sa finals
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. Rain or Shine vs San Mig Coffee (Finals-Game 1)
MANILA, Philippines - Sa pagitan ng dalawang tropang parehong pagod na sa ‘giyera’, ang puso na lamang ang magÂpapanalo sa isang koponan.
At dito lumamang ang San Mig Coffee.
Sumandal kay two-time MVP James Yap sa first half at kay PJ Simon sa fourth quarter, pinulbos ng Mixers ang Ginebra Gin Kings, 110-87, sa Game Seven ng kanilang semifinals series para kunin ang ikalawa at huling finals ticket sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa harap ng higit sa 24,000 fans sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng San Mig Coffee ang kanilang best-of-seven semifinals duel ng Ginebra sa 4-3 para makatagpo ang Rain or Shine sa best-of-seven championship series na magsisimula bukas sa Big Dome.
Sinibak ng Elasto PainÂters ang Petron Blaze Boosters, 4-1, sa kanilang semis duel para sa kanilang ikatlong finals appearance sa nakaraang limang komperensya at asam ang ikalawang PBA title matapos maghari sa 2012 Governors’ Cup.
Ito ang ika-25th finals stint ng San Mig Coffee at target ang kanilang pang-11 PBA crown, habang nasa kanyang ika-27th finals appearance naman si coach Tim Cone na hangad lampasan ang 15th PBA title ni legendary mentor Baby Dalupan.
Kaagad kinuha ng San Mig Coffee, nanalo sa Games One, Three at Five, ang 20-11 abante mula sa tres ni Yap sa first period bago nakatabla ang Ginebra sa 32-32 galing sa basket ni Mark Caguioa sa second quarter. (RCadayona)
San Mig Coffee 110 - Yap 30, Simon 28, Sangalang 15, Reavis 15, Pingris 8, Barroca 6, Mallari 6, Devance 2, Melton 0.
Ginebra 87 - Caguioa 23, Aguilar 17, Tenorio 16, Slaughter 12, Mamaril 6, Helterbrand 5, Ellis 4, Baracael 3, Reyes 1, Monfort 0, Urbiztondo 0.
QuartersÂcores: 28-20, 57-44, 79-67, 110-87.
- Latest