Orcollo No. 2 sa paramihan ng kinita sa bilyar
MANILA, Philippines - Hindi malayo na magÂningning uli ang laban ng mga Filipino cue artists sa money list sa taong ito.
Ito ay dahil sa pagkakaÂroon ng tatlong Filipino pool players na nasa unang anim na puwesto sa talaan ng palakihan ng panalo sa mga nilahukang torneo sa pangalawang buwan pa lamang ng taong 2014.
Sa bisa ng mga panalo sa Derby City Master of the Table at 9-Ball Banks na nagpasok ng $30,000.00 gantimpala, si Dennis Orcollo ang nasa ikalawang puwesto sa listahan bitbit na ang $41,050.00 premÂyo.
Sa magandang paÂnimula, hindi malayong puÂmasok uli sa daan-libo ang kitain ni Orcollo na siya niyang naitala sa huling tatlong taon.
Ang maalamat na sina Efren “Bata†Reyes at Francisco “Django†Bustamante ay nasa ikaapat at anim na puwesto, ayon sa pagkakasunod bitbit ang $19,050.00 at $14,650.00.
Kampeon sa DCC One-Pocket Division, ang premyong hawak ng 60-anyos na si Reyes ay higit na sa kabuuang kinita noong 2013 na nasa $14,366.00 lamang.
Ang ‘di gaanong kilala na si Gareth Potts ng Great Britain ang nasa unahan sa talaan sa $58,150.00 na kinatampukan ng pagdodomina sa 1st Chinese 8-Ball Masters na nagkahalaga ng $50,000.00.
Nasa ikatlo ang top money earner ng 2013 na si Shane Van Boening sa $38,000.00 habang sina Shi Han-qing ng China ($16,000.00) ang nasa ikalimang puwesto.
- Latest