^

PSN Palaro

30 HS stars sasabak sa Seaoil All-Stars

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawin sa Marso 9 ang 2014 Seaoil NBTC HS All-Star Game sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Nasa 30 na pinakamahuhusay na manlalaro sa high school at graduating na sa UAAP at NCAA ang magpapakita ng galing sa All-Star Game na handog ng Seaoil at suportado ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex at Molten.

Ang aktibidades ang siyang tatapos sa 2014 Seaoil NBTC League National High School Finals, ang official grassroots program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), na gagawin mula Marso 6 hanggang 9.

Sa nakaraang All-Star Game, si Rey Nambatac ng Letran Squires ang siyang hinirang bilang MVP matapos tulungan ang Light team sa 92-78 panalo sa Dark na nilaro rin sa Ynares Center.

Ito ang ikalawang panalo ng Light dahil noong 2012 ay nangibabaw din ang Light team na pinangunahan ni Ace Basas ng Mapua sa Dark sa 87-81 iskor.

Samantala, patapos na rin ang kompetisyon sa provincial high school championships para makumpleto na ang mga kasali sa National Finals.

vuukle comment

ACE BASAS

ALL-STAR GAME

LEAGUE NATIONAL HIGH SCHOOL FINALS

LETRAN SQUIRES

MARSO

NATIONAL FINALS

PASIG CITY

REY NAMBATAC

SAMAHANG BASKETBOL

SEAOIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with