Roach pupuwersahin si Pacquiao na i-KO si Bradley
MANILA, Philippines - Huling nakaiskor ng isang KO victory si Manny Pacquiao noong Nobyembre ng 2009 nang patigilin niya si dating world welterweight king Miguel Cotto sa 12th round sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Halos apat na taon na ring hindi nakaÂkapagtala ng isang KO win ang Filipino world eight-division champion.
At sa kanilang rematch ni Timothy BradÂley, Jr. sa Abril 12 sa MGM Grand ay gustong makita ni chief trainer Freddie Roach ang muling pagpapabagsak ni Pacquiao sa kanyang kalaban.
“We need a knockout real soon. I’ll be pushing for it,†sabi ni Roach kay Pacquiao na may 38 KOs sa kanyang ring record (55 wins, 5 looses at 2 draws).
Sa kanyang split decision loss kay Bradley (31-0-0, 12 KOs) noong Hunyo 9, 2012 ay hindi na nagtangka si Pacquiao na pabagsakin ang American fighter.
Sinabi ni Roach na alam niyang kayang patumbahin ni Pacquiao si Bradley sa naturang laban.
“When Manny hurt Bradley the first time, he didn’t bother to finish him and thought it was enough to win a decision,†ani Roach kay Pacquiao. “I disagree with that. That’s why the paydays are less and the pay-per-view buys are less.â€
“I told Manny, ‘you want to give the people what they want. They want knockouts’,†dagdag pa ng five-time Trainer of the Year awardee.
Inaasahan ni Roach na muling ibabalik ni Pacquiao ang kanyang bangis sa kanilang rematch ni Bradley.
Samantala, aminado si Manny Pacquiao na maraming boÂxing fans at experts ang nagsaÂsabing wala na ang kanyang ‘killer instinct’ pati na ang kagutuman sa tagumpay.
Ngunit sa kanilang ikalawang promotional tour sa New York City ni Timothy Bradley, Jr. kahapon, naÂngako ang Filipino world eight-division champion na muling makikita ng mga boxing fans ang kanyang bagsik sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
- Latest