Knockout ang kailangan ni Bradley para patunayang tinalo si Pacquiao
MANILA, Philippines - Ang tanging paraan para talunin siya ni Timothy Bradley, Jr. at mapanatiÂling suot ang World BoÂxing Organization (WBO) welterweight crown ay mapabagsak siya.
Ito ang sinabi kahapon ni Manny Pacquiao sa press conference sa BeÂverly Hills Hotel sa California para sa kanilang rematch ni Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“The only way Bradley can beat me this time is to knock me out. He cannot outbox me. I will be the aggressor,†ani Pacquiao, nagmula sa isang unanimous decision win laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa isang non-title, welterweight fight noong Nobyembre 24 sa Macau, China.
Kumpara sa kanyang unang laban kay Bradley, sinabi ng Filipino boxing superstar na mas maraÂming suntok ang kanyang pakakawalan ngayon kay Bradley.
“I will throw a lot of punches at him - more than I threw against Rios-- and I will land them. Last time I was too nice. This time, I will finish what I start. I want to get back that belt he won off of me,†dagdag pa ng Filipino world eight-division champion.
Tinalo ni Bradley (31-0-0, 12 KOs) si Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) mula sa isang kontrobersyal na split decision victory para agawin kay ‘Pacman’ ang hawak nitong WBO welterweight belt noong Hunyo 9, 2012.
Marami ang hindi kumÂbinsido sa naturang panalo ng 30-anyos na si Bradley sa 35-anyos na si Pacquiao.
Kaya naman muling patutunayan ni Bradley na kaya niyang talunin si Pacquiao sa ikalawang pagkakataon.
“This is all about redemption. I need Manny. He needs me. I’m going to beat him again. I am younger and a better fighÂter. Manny fights for the money. I have the hunger to win,†sabi ni Bradley. “I scored our fight eight rounds to four in my favor. No way he won that fight.â€
Matapos ang natuÂrang panalo kay Pacquiao ay dalawang beses na naipagtanggol ni Bradley ang kanyang WBO title laban kina WBO light welterweight king Ruslan Provodnikov (23-2-0, 16 KOs) via majoÂrity decision noong Marso at Juan Manuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) mula sa isang split decision noong Oktubre ng 2013.
- Latest