^

PSN Palaro

Heat tinusta ang Pistons sa balwarte

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Kinapos ng dalawang rebounds si Le­Bron James para sa triple-double habang si Dwyane Wade ay nagpakita ng pi­nakamagandang laro mula Disyembre 18 at ang Heat ay nanaig sa Detriot  Pistons, 102-96, noong Martes.

May 24 puntos 11 assists at walong rebounds si James para suportahan ang 30 puntos ni Wade at ang Miami ay nagdomina sa Pistons.

Si Wade ay mayroon pang 10 rebounds at five assists para ipakita na ayos na ang injuries na dumapo sa kanya sa season.

Sa Salt Lake City, kinu­ha naman ng Toronto Raptors ang ikaapat na panalo sa huling limang laro sa 94-79 pagdurog sa Utah Jazz.

May 18 puntos at siyam na rebounds si Jonas Valanciunas habang si DeMar DeRozan ay naghatid ng 23 para sa Raptors para magpatuloy ang mainit na paglalaro ng Raptors sa road games.

Sa Denver, pumasok ang top of the key triple ni Randy Foye para maitakas ng Nuggets ang 116-115, panalo laban sa Clippers.

Gumawa ng career-high na 28 puntos at 11 boards si Kenneth Faried para sa  Nuggets na isinan­tabi ang 36 puntos ni Blake Griffin para matalo ang Clippers sa pangalawang pagkakataon sa huling pitong laro.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

BRON JAMES

DWYANE WADE

JONAS VALANCIUNAS

KENNETH FARIED

PARA

RANDY FOYE

SA DENVER

SA SALT LAKE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with