Triathletes magsasanay sa Portugal para sa YOG qualifier
MANILA, Philippines - Bibigyan ng matinding pagsasanay ang apat na batang triathletes na isasabak ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) sa Youth Olympic Games qualifier sa Hunyo 1 sa Kazakhstan.
Sina Jimuel Patillan at Justin ChiongÂbian ang kakampanya sa kalalakihan habang sina Magali Echauz at Vicky Deldio ang sa kababaihan matapos lumabas bilang pinakamahusay sa mga batang manlalaro ng bansa na edad 17 pababa.
Ayon kay Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president at POC chairman Tom Carrasco Jr., nakuha na niya ang pagsang-ayon ng Philippine Sports Commission (PSC) para sumailalim ang apat na manlalarong ito sa 35 araw na pagsasanay sa ITU Development U23 and Junior Camp sa Rio Maior, Portugal.
“They will be handled by ITU high performance coach Sergio Santos and they will stay in Rio Maior, Portugal for 35 days. We hope to send the four triathletes by April and they will be back in time for the Youth Olympic Games qualifier,†wika ni Carrasco.
Gusto pa sana ng TRAP na mas maÂhaba ang pagsasanay ng mga ipadadalang manlalaro pero sapat lamang ang P1.5 milyon na tulong pinansyal ng PSC para sa 35 araw na pagsasanay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magpapadala ang TRAP ng manlalaro sa Camp na ito ni Santos dahil noong nakaraang taon ay nagsanay na rin dito si John Chicano.
Ang mangungunang tatlong kalalakihan at tatlong kababaihan sa nasabing qualifying event ay makakatiyak na ng puwesto sa Youth Olympic Games na gaÂgawin sa Nanjing, China mula Agosto 16 hanggang 28.
- Latest

















