Raptors nakatikim din ng panalo sa Nuggets
DENVER--Tinapos ng Toronto Raptors ang isang dekada na hindi nananalo sa Denver Nuggets sa 100-90 tagumpay noong Biyernes.
Sina DeMar DeRosan at Terrence Ross ay gumawa ng 19 at 18 puntos habang sina Jonas Valanciunas at Kyle Lowry ay may tig-13 para sa Raptors na nanalo sa unang pagkakataon sa huling 10 pagtutuos mula 2003.
Nakatulong sa Raptors ang pagkawala ni Nate Robinson upang saÂmahan sa sideline ang pambatong si Ty Lawson.
Inanunsyo ng Nuggets na si Robinson ay inoperahan sa kaliwang tuhod para ayusin ang torn anterior cruciate ligament na kanyang ininda noong Lunes laban sa Charlotte Bobcats.
Si Lawson ay hindi nakapaglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa left rotator cuff strain.
Sa Los Angeles, nagÂtala ng career-high na 40 puntos si Al Jefferson para pamunuan ang 110-100 panalo ng Charlotte Bobcats sa LaÂkers.
Humablot pa ng 18 rebounds si Jefferson na bumuhos ng 16 puntos sa huling yugto upang ipatikim sa Lakers ang ikaanim na sunod na kabiguan.
May franchise record si Jefferson na 11 sunod na laro na tumapos siya ng 20 puntos pataas para palitan ang dating marka ni Jason Richardson mula 2007-08.
Ito naman ang ika-13 laro sa season na may manÂlalaro na umiskor ng 30 o higit pa laban sa LaÂkers.
Naghatid ng 20 puntos si Gerald Henderson para sa Bobcats habang si Ramos Sessions ay may 13 assists at siyam na puntos para halinhinan ang pang-anim na sunod na pagkawala ni Bobcats starting point guard Kemba Walker.
Sa Philadelphia, pitong manlalaro ng 76ers ang tumapos sa double-digits para pasiklabin ang 125-99 pagdurog sa Atlanta Hawks.
Namuno sa Sixers sina Mike Scott at Elton Brand sa tig-18 puntos.
Si DeMarre Carroll ay mayroong 13 puntos, tig-12 ang ginawa nina Paul Millsap, Jeff Teague at Lou Williams at si Kyle Korver ay may 11 para sa Hawks.
Ang ipinakitang laro ni Millsap ay nagpatunay na karapat-dapat siyang masama sa NBA All-Star Game na mangyayari sa unang pagkakataon sa waÂlong taong paglalaro sa liga.
- Latest























