Big Chill may tiket na sa semis
MANILA, Philippines - Nangapa man ay sapat pa rin ang ipinakita ng Big Chill upang maitala ang come-from-behind na 94-91 panalo sa Boracay Rum at kunin na ang awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Sina Brian Heruela, Reil Cervantes at Khazim Mirza ang mga nagtulung-tulong tungo sa pagsungkit ng unang panalo sa taong 2014 at iangat ang baraha sa 11-1.
Sapat na ang naipundar na panalo ng tropa ni coach Robert Sison para dumiretso na sa semifinals kasama ang NLEX.
Nakitaan ng pangaÂngalawang sa laro ng Superchargers matapos ang mahigit na isang buwan na pahinga.
Kinapitalisa ito ng Waves at nakapagtala ng 12 puntos kalamangan sa first half at sa huling yugto ay angat pa sa 74-70.
Pero isinulong ng Superchargers ang 12-8 palitan na tinapos ng dalawang free throws ni Heruela para magtabla sa 82 bago ang tres ni Mirza na nasundan pa ng buslo ni Cervantes ang naglayo sa koponan sa 89-85.
Nakabawi pa ang WaÂves at ang split ni Chris Banchero ang nagtulak sa iskor sa 91-all pero inatake uli ni Heruela ang depensa bago nagtala ng split si Cervantes sa sumunod na play para sa tatlong puntos na kalamangan.
Si Cervantes ay mayroong 28 puntos habang sina Heruela at Mirza ay nagsanib sa 18 puntos.
Tinalo ng Café France ang Arellano-Air21 92-63, sa unang laro para panatiÂling buhay pa ang tsansa na makausad sa quarterfinals sa liga.
May 18 puntos, 12 rebounds at 4 blocks si Rod Ebondo, si Mark Parale ay may 15 at si Ryan GallarÂdo ay may 10 puntos at walong assists para sa BaÂkers na tinapos ang 13-game elimination round bitbit ang 8-5 karta.
Hawak nila ngayon ang mahalagang ikaanim na puwesto at kailangan niÂlang manalangin na maÂtalo ang Blackwater Sports sa Cebuana Lhuillier ngayon sa The Arena para umabante sa quarterfinals.
Ngunit kung manalo ang Elite, sila ang uusad at bakasyon na ang Café France dahil sa winner-over-the-other rule.
- Latest