^

PSN Palaro

Sa best-of-seven semis series: Dehado kami sa Petron - Guiao

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakamainit na koponan sa PBA ang Rain or Shine upang ipalagay na paborito sila sa laban kontra sa Petron Blaze Boosters sa PLDT MyDSL PBA Philippine Cup semifinals.

Ngunit para kay Elasto Painters coach Joseller  “Yeng” Guiao, dehado sila sa Boosters sa best-of-seven series na magsisimula na sa Lunes.

“Lamang ang Petron. Sa lineup pa lang, makikita na ang advantage ng Boosters,” wika ni Guiao nang nakapanayam sa SCOOP on Air.

Pero masasabing nagpapadehado lamang ang beteranong coach dahil sa natatanging pagkikita ng dalawang koponan sa elimination round, nanaig ang RoS, 99-95 sa overtime.

Ang panalo ang nagsilbing mitsa sa 8-game winning streak na natapos sa pamamagitan ng 106-96 tagumpay sa Globalport sa quarterfinals.

“Luck has been with us in our last eight games. Everything seems to be falling to places and we hope to carry this in our semifinal meeting,” ani pa ni Guiao na may anim na PBA titles na.

Hindi pa rin tiyak kung makakapaglaro na si Jeff Chan na natrangkaso.

Dahil dito, aasa uli si Guiao sa pagtutulungan ng lahat ng manlalarong ginagamit upang magpatuloy ang ha­ngarin ng ROS na masungkit ang ikalawang PBA crown.

Unang nagkampeon ang koponang pag-aari nina Terry Que at Raymund Yu sa Governors Cup noong 2012.

DAHIL

ELASTO PAINTERS

GOVERNORS CUP

GUIAO

JEFF CHAN

PETRON BLAZE BOOSTERS

PHILIPPINE CUP

RAYMUND YU

TERRY QUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with