^

PSN Palaro

PSC planong sibakin sa priority sports ang aquatics

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balak ng Philippine Sports Commission (PSC) na alisin na sa talaan ng mga priority sports ang aquatics dahil sa patuloy na pagsadsad ng sport sa Myanmar SEA Games.

Tinuran ni PSC chairman Ricardo Garcia na walang  nang­yari sa aquatics kahit may dagdag silang suportado kumpara sa ibang National Sports Association dahil kasama sa priority sports na pinangalanan ng ahensya noon pang 2012.

“We are really considering the removal of aquatics from the list dahil wala silang performance,” ani Garcia.

Bukod sa aquatics, ang iba pang sports na inilagay sa listahan ay ang athletics, boxing, taekwondo, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlifting at billiards.

Matapos pangalanan noong 2012 ay binigyan din ng mas malalaking budget ang mga nasa priority list at ang aquatics ay tumanggap ng P12 milyon.

Ngunit hindi natugunan ng magandang performance ng aquatics na pinamumunuan ni Mark Joseph ang tulong ng PSC dahil sa nakalipas na South East Asian Games sa Myanmar ay apat na bronze medals lamang ang naibigay ng maliit na delegasyon at dalawa rito ay galing kay Olympian Jasmine Alkhaldi.

Muntik sanang nanalo ng ginto si Alkhaldi sa 100m freestyle pero binawi ito ng organizers at nag-utos ng re-swim matapos magprotesta ang Thai swimmer.

Lumangoy si Alkhaldi sa re-swim at tumapos na la­mang sa ikatlong puwesto.

Ang athletics, boxing, taekwondo, wushu, archery at billiards ay nanalo ng ginto habang minalas ang weightlifting at wrestling. Hindi naman isinagawa ang bowling sa Myanmar. (ATan)

ALKHALDI

AQUATICS

MARK JOSEPH

MYANMAR

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

OLYMPIAN JASMINE ALKHALDI

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SOUTH EAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with