^

PSN Palaro

Mahuhusay na atleta ng 2013 pararangalan ngayong gabi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito na ang gabi kung saan bibigyan ng rekognisyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang mga taong nagpalakas sa Philippine sports at nagbigay ng inspirasyon sa mga Filipino sa pagdaraos ng Annual Awards Night sa Centennial Hall ng makasaysayang Manila Hotel.

Magsasama-sama ang mga pinakamahuhusay na atleta at koponan sa makulay na seremonya na inihahandog ng MILO kasama ang Air21 bilang major sponsor.

Ang programa ay sisimulan sa ganap na alas-7:30 ng gabi at inaasahang dadalo ang mga top sports officials sa pangunguna nina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose `Peping’ Cojuangco, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia, International Olympic Committee (IOC) representative Mikee Cojuangco-Jaworski at iba pa.

Nangunguna sa mahabang honor roll list ang Gilas Pilipinas basketball team na tatanggapin ang Athlete of the Year award makaraang makakuha ng silya para sa 2014 world basketball championship.

Sumegunda ang Filipino cagers sa gold me­dalist na Iran sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship noong Agosto sa Mall of Asia Arena.

Ang Gilas Pilipinas ang magiging pang-limang koponan na bibigyan ng Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization sa event na itinataguyod din ng Smart Sports, Philippine Sports Commission, Senator Chiz Escudero, Philippine Basketball Association, SM Prime Holdings, Rain or Shine, Globalport, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., ICTSI-Philippine Golf Tour at Accel 3XVI.

Makakasama sa entablado ng Spain-bound basketball team ang taong nasa likod ng pagbuo sa Gilas Pilipinas na si Manny V. Pangilinan, tatanggap ng Executive of the Year honor sa unang PSA awards rite sa ilalim ni president Lorenzo `Jun’ Lomibao ng Business Mirror.

Si Lomibao ang perso­nal na mag-aabot ng President’s Award kina world champions Rubilen Amit, Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ng billiards at taek­wondo jin Mikeala Ca­lamba.

ANG GILAS PILIPINAS

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA MEN

ATHLETE OF THE YEAR

BUSINESS MIRROR

CENTENNIAL HALL

GILAS PILIPINAS

PHILIPPINE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with