Laban kay Floyd, hanggang pangarap lamang
Lumabas na sa mga pahayagan na hindi si Floyd Mayweather Jr., ang makakasagupa ni Manny Pacquiao sa Abril, kung hindi si Timothy Bradley.
Kahit pa atat na si Pacquiao na labanan si MayÂweaÂther na kinaasaran ng maraming Pinoy na mahihilig sa boxing, wala siyang magagawa.
At sa pananaw natin ay lumiliit pa lalo ang tsansa ni Pacquiao na labanan si Mayweather na nagsabi nang magreretiro siya sa susunod na taon.
Ayon kay Mayweather, pagkatapos ng laban niya sa Mayo alinman kina Amir Khan o Marcos Maidana, dalawang laban lamang at magreretiro na siya. Ayon naman kay Pacquiao, hanggang sa susunod na taon pa siya aakyat sa ring, pagkatapos ay saka pa lamang niya pag-iisipan kung siya ay magreretiro.
Ilang beses nang sinabi ni Pacquiao na lalabanan niya si Mayweather na ayaw namang kumagat sa mga hamon ng Filipino boxer, kasama na rito ang kaÂmakailan na paghamon ni Pacquiao sa Amerikano sa isang charity fight.
Maaaring naiinis na si Pacquiao sa panlalait sa kanya ni Mayweather, pero sabi nga hanggang inis na lamang ang kanyang magagawa. Malabo nang mangyari pa ang inaasahan ng marami na “dream fight.â€
Bagama’t may hanggang 2015 pa si Pacquiao, naÂnatili ang katanungan kung paano papayag itong si Mayweather na labanan ang Filipino boxer. Ilang ulit na bang sinabi nina Pacquiao at Mayweather na hindi pera ang kanilang habol, kung hindi “prinsipyo.â€
Kapuwa may “sama ng loob†na kailangang pakaÂwalan ang dalawang fighter, pero tila hanggang doon na lamang ang kanilang kapalaran.
Sa ngayon ang halos 80 porsiyento pa lamang na sigurado ay ang laban ni Pacquiao kay Bradley. GaÂÂyunman, ayaw pa rin namang pakasiguro ni Top Rank promoter Bob Arum sa laban dahil sa marami pa raw posibleng mangyari.
Pero hanggang sa ngayon ay tanging isang pangaÂrap na lamang ang gustong laban ni Pacquiao kay Mayweather.
Lalo na kapag nagpaalam na ito sa ring.
- Latest