^

PSN Palaro

Durant ‘di maawat, Thunder angat na sa Northwest

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA--Nagpa­tuloy ang mainit na pagla­laro ni Kevin Durant upang hawakan ang isang larong bentahe sa Portland sa Northwest Division gamit ang 105-97 panalo sa Trail Blazers noong Miyerkules.

Tumapos si Durant ta­ngan ang 46 puntos mula sa 17-of-25 shooting na nilakipan ng 6-of-7 marka sa 3-point line.

Ito ang ikawalong sunod na laro na si Durant ay gumawa ng 30-puntos pataas at ito na ang pinakamahabang streak sa kanyang career.

May 11 puntos si Durant sa huling 3:23 ng huling yugto para iwan ang Portland na nanalo sa naunang dalawang pagtutuos.

Umangat ang Oklahoma (32-10) sa 9-5 baraha sapul nang nawala ang All-Star guard na si Russell Westbrook dahil sa right knee injury.

Sa Miami, nagsalpak ng 11 sa kanyang 29 puntos si LeBron James sa huling yugto para maisantabi ng Miami Heat ang pagkawala ng 18-puntos kalamangan tungo sa 93-86 panalo sa Boston Celtics.

Si Chris Bosh ay nag­hatid ng 16 at si Chris Andersen ay may 13 puntos na  kinatampukan ng 5-of-5 shooting.

Ginamit ng Heat ang 9-0 run sa pagtatapos ng laro para maitabla sa 1-1 ang dalawang pagkikita ng nasabing mga koponan sa Miami.

Si Brandon Bass ay mayroong 15 puntos para sa Celtics na nakitaan pa rin ng pangangapa sa pag­lalaro ng nagbabalik na si Rajon Rondo.

Sablay ang lahat ng wa­long buslo na binitiwan bukod pa sa dalawang free throws na naglapit sana sa Celtics sa dalawang puntos sa huling 44.4 segundo.

Sa Brooklyn, naglista si Andray Blatche ng 18 puntos mula sa bench habang ang reserve forward na si Mirza Teletovic ay may 14 at ang Brooklyn Nets ay nanalo sa ikawalong pagkakataon sa huling siyam na laro sa 101-90 pananaig sa Orlando Magic.

Sa Utah, gumawa si Kevin Love ng 19 puntos, 13 rebounds at walong assists upang banderahan ang Minnesota sa 112-97 tagumpay laban sa Jazz.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

CHRIS ANDERSEN

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

MIAMI HEAT

MIRZA TELETOVIC

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with