Texters, Boosters lalapit sa semis
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng nagdedepensang kampeon Talk N’ Text at Petron Blaze Boosters na pangatawanan ang pagiging mas paÂboritong koponan sa pagÂbubukas ngayon ng PLDT MyDSL PBA Philippine Cup quarterfinals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Unang mapapalaban ang Boosters (10-4) laban sa Barako Bull (5-9) sa alas-5:15 ng hapon bago palitan ng Tropang Texters (8-6) at San Mig Coffee (7-7) dakong alas-8 ng gabi.
Ang mananalo ay aÂangat sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series para madetermina kung sino ang dalawa pang koponan na aabante sa semifinals.
Tumitikas na ang line-up ng Boosters dahil sa paggaling ng mga manlalarong may injuries para samahan ang ibang inaasahan sa pangunguna nina Arwind Santos at Alex Cabagnot.
Si 6’10 June Mar FajarÂdo ay nakabalik na at sa huling laro ng Petron laban sa Meralco na kanilang ipinanalo ay mayroon itong 15 puntos at 19 rebounds.
May balita rin na babalik sa larong ito si Marcio Lassiter para madagdagan pa ang puwersa ng bataan ni coach Gee Abanilla na nakipaghatian sa dalawang laro laban sa Barako Bull.
Bagama’t nanalo sa huling tagisan, 92-88, hamon kay Energy Cola coach Bong Ramos ang mapanumbalik ang tikas ng paglalaro ng mga bataan na tinapos ang laro sa elimination round tangan ang dalawang dikit na kabiguan.
“We are looking forward to the challenge of crea-ting another upset. It won’t be easy going up against a powerhouse team like Petron but I think we have the heart for it,†pahayag ni Ramos na huhugot sa karanasan nina Willie Miller at Dennis Miranda.
Tig-isang panalo rin ang naitala ng Talk N’ Text at San Mig Coffee sa kanilang head-to-head pero nagpaÂlakas ang bataan ni coach Norman Black nang kunin si KG Canaleta mula sa Air21.
Pasok sa deadline para sa huling araw ng pagpapalit ng manlalaro na itinakda ng PBA Commissioners’ Cup ang pagkuha kay Canaleta na kung saan ang ipinalit ng Tropang Texters ay si rookie guard Eliud Poligrates at Sean Anthony bukod pa sang 2016 first round pick.
Palalakasin ni Canaleta ang opensa ng koponang naghahangad ng ikaapat na sunod na titulo sa PhiÂlippine Cup dahil ang 6’6 manlalaro ang number one scorer ng Express sa 16.5 puntos.
Samantala, kasalukuÂyang pinaglalabanan ng Alaska Milk at Meralco ang playoff para sa No. 8 at huling puwesto sa quarterfinals habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest