^

PSN Palaro

Loyalty award sa PSC employees

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawaran ng para­ngal ng Philippine Sports Commission (PSC) ang  mga empleyado na naninilbihan pa sa Komisyon mula ng itinatag ito noong 1990.

Ang mga tauhan na may 24 taon ng naninilbihan sa PSC ay bibigyan din ng pabuyang P5,000.00 bukod sa isang relo.

Gagawin ang pagbigay ng pagkilala sa mga empleyado sa Biyernes sa 24th anibersaryo ng PSC sa Ninoy Aquino Stadium.

Inimbitahan din ang mga opisyales ng Philip­pine Olympic Committee  (POC) bukod pa sa mga atletang nanalo ng me­dal­ya sa Myanmar SEA Ga­mes.

Sa seremonyang ito sana gagawin ang pagbibigay ng cash incentives sa mga nanalo ng ginto, pilak at bronze medals na bumilang ng 101 medalya.

Ngunit nagdesisyon ang POC na isabay na lamang ito sa First Friday Mass sa nasabing buwan na ginawa sa Philsports Arena sa Pasig City.

“Ang pagbigay ng pagkilala sa mga empleyado na nakasama ng PSC mula ng itatag ito noong 1990 ay bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribus­yon sa Komisyon at sa government service,” pahayag ni Dr. Lauro Domingo na siyang nangangasiwa sa paghahanda sa anibersaryo ng PSC.

Nabigyang-buhay ang PSC sa panahon ni Pangulong Cory Aquino matapos lagdaan ang Republic Act 6947 na ang may akda ay sina Victorico Chavez sa Kongreso at Senator Aquilino “Nene’ Pimentel sa Senado.

 

vuukle comment

DR. LAURO DOMINGO

FIRST FRIDAY MASS

KOMISYON

NINOY AQUINO STADIUM

OLYMPIC COMMITTEE

PANGULONG CORY AQUINO

PASIG CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with