^

PSN Palaro

Lady Falcons binokya ang Lady Maroons sa UAAP softball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humataw pa ng homerun si Rizza Bernardino para pangunahan ang pagsungkit ng three-time defending champion Adamson ng kanilang ikawalong sunod na pa­nalo sa 5-0 shutout tagumpay laban sa UP sa 76th UAAP softball kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Nangapa uli sa pagpalo sa kaagahan ng laro ang Lady Falcons dahil nalimitahan lamang sila sa isang run ng Lady Maroons na nangyari sa second inning.

Tatlong innings hindi naka-iskor ang koponan ni coach  Ana Santiago pero nasulit naman ang pagtitiyaga dahil sa solo-homerun ni Bernardino para sa kanyang ikaapat sa season.

Nasundan pa ito ng isa pang homer ni Luzviminda Embudo bago si  Analie Benjamin ay humataw ng double sa left field at napapasok sa single ni Julie Marie Muyco para ilayo sa 4-0 ang Adamson.

Ito na rin ang ika-42nd direstong panalo ng Adamson at sina Benjamin at Muyco ay nagsanib sa tatlong hits sa Lady Maroons.

Pahinga ang Adamson sa Miyerkules at gagamitin ni Santiago ang bagay na ito para ibalik ang dating ko­po­­nan ng bataan.

Nanalo ang UST sa UE, 4-3, upang iangat ang pu­ma­pangalawang karta sa 6-1 habang binokya rin ng La Salle ang Ateneo, 7-0, sa isa pang laro.

Bumaba ang UP at UE sa 3-5 baraha habang ang La Salle ay may 2-4 at ang Ateneo ay may 1-5 karta.

 

vuukle comment

ADAMSON

ANA SANTIAGO

ANALIE BENJAMIN

ATENEO

JULIE MARIE MUYCO

LA SALLE

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LUZVIMINDA EMBUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with