^

PSN Palaro

Twice-to-beat sa E-Painters

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m.  Alaska Milk vs Barako Bull

5:15 p.m. Talk ‘N Text vs Brgy. Ginebra

 

 

MANILA, Philippines - Sinelyuhan ng Rain or Shine ang ikalawang puwesto at ang kasamang twice-to-beat advantage sa susunod na round nang padapain ang Air21, 104-94, sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup elimination round kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos ng 13 puntos, 8 rebounds at 2 blocks ang rookie 6’7 center na si Raymond Almazan at 12 rito ay ginawa sa second half para mapanatili ng Elasto Painters ang magandang panimula laban sa Express at wakasan ang asignatura sa eliminations bitbit ang 11-3 karta.

Pitong sunod ng puntos ang kanyang inihatid para itulak ang kalamangan ng koponan sa 18, 92-74, at biguin ang plano ng Petron Blaze Boosters na agawin ang puwesrto matapos ang 96-87 pananaig sa Meralco, 96-87, sa unang laro.

Ang 6’10 na si June Mar Fajardo ay tumapos taglay ang 19 puntos at 15 rebounds para sa Boosters na nakontento sa ikatlong puwesto tangan ang 10-4 karta.

Tinapos ng Bolts ang kampanya dala ang 5-9 baraha para makasalo ang Globalport  sa mahalagang ikapito at walong puwesto.

Aantayin ng dalawang koponan ang resulta ng  laro sa hanay ng Alaska Milk at Barako Bull ngayon upang  malaman ang magiging pinal na puwesto sa liga.

Ang panalo na mako­kolekta ng Aces ay mag­reresulta sa four-way tie sa ika-anim hanggang siyam na puwesto sa 5-9 baraha.

Kapag nangyari ito, ba­basagin ang tabla sa quo­tient at ang dalawang koponan na may bitbit na mas mataas na quotient ang aabante na at maiiwan ang huling dalawa sa playoff para sa huling puwesto sa susunod na round.

Pero kung manalo ang Barako Bull ay sila na ang lalabas na pang-anim na koponan habang ang Globalport at Meralco ay nasa ikapito at walong puwesto at kailangang talunin ng dalawang sunod ang Rain or Shine at Ginebra.

Sina Joseph Yeo at Nino Canaleta ay may tig-19 para sa Air21 na namaalam na sa 3-11 baraha.

Petron 96 - Fajardo 19, Ross 18, Santos 17, Cabagnot 14, Lutz 12, Kramer 6, Duncil 4, Tubid 2, Taha 2, Lanete 2.

Meralco 87 - David 18, Ildefonso 17, Dillinger 16, Wilson 13, Hodge 13, Allado 5, Hugnatan 3, Artadi 2, Timberlake 0, Salvacion 0, Al Hussaini 0.

Quarterscores: 15-15, 44-33, 70-56, 96-87 

Rain or Shine 104 - Almazan 13, Nuyles 13, Teng 13, Arana 10, Rodriguez 10, Belga 7, Cruz 7, Chan 7, Lee 7, Norwood 7, Tiu 5, Tang 2, Ibanes 2, Quinahan 1.

Air21 94 - Yeo 19, Canaleta 19, Manuel 17, Taulava 16, Ritualo 13, Custodio 6, Cardona 4, Borboran 0, Jaime 0, Matias 0, Espiritu 0, Sharma 0, Camson 0.

Quarterscores: 28-17, 54-41, 81-74, 104-94

 

vuukle comment

AL HUSSAINI

ALASKA MILK

BARAKO BULL

ELASTO PAINTERS

GINEBRA

GLOBALPORT

MERALCO

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with