Malalaking kompetisyon paghahandaan ABAP boxers nagsimula na ang pagsasanay
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang pagÂÂhaÂhanda ng Pambansang boksingero para sa malalaking kompetisyon sa taon sa pangunguna na ng Asian Games.
Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) exeÂcuÂtive director Ed Picson, nagsibalik na mula sa baÂkasyon ang lahat ng kasapi ng national pool kasama na rito ang mga coaches upang buksan ang kanilang pagsasanay.
“All members of the pool are accounted for. KaÂhit ang mga nanalo ng medalya sa SEA Games sa Myanmar ay nakabalik na rin,†wika ni Picson sa SCOOP on Air.
Makakaasa rin ang mga panatiko ng boxing na gagawin ng ABAP ang lahat ng makakaya upang ilagay ang mga pambato sa magandang kondisyon para magpatuloy ang kiÂnang sa pagsali sa Asian Games sa Incheon, Korea mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Ang boxing ang isa sa tatlong sports na nanalo ng ginto sa 2010 Guangzhou, China Asian Games sa katauhan ni Rey Saludar.
Bagama’t gold medaÂlist, hindi naman awtomaÂtiko na kasama na si Saludar sa ipadadala ng ABAP dahil kailangan niyang patunayan pa ang sarili na handa sa laban.
Sa tantiya ni Picson, lima hanggang anim na boxers ang ipapadala ng ABAP sa Incheon at mahalaga ang kompetisyon dahil bahagi ito ng kanilang programa para sa planong pagsungkit ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics sa 2016 sa Rio de Janeiro sa Brazil.
“Maliwanag ang marÂching orders sa amin ni chairman MVP (Manny V. PaÂngilinan) at president Ricky Vargas na ipagpatuloy namin ang paghihirap upang matupad ang pinapangaÂrap na kauna-unahang ginto sa Olympics,†dagdag ni Picson.
Sampung boksingero ang ipinadala ng ABAP sa Myanmar SEAG at lahat sila ay nanalo ng medalya sa kinuhang tatlong ginto, apat na pilak at tatlong bronÂze medals.
Ang mga pinalad na nagkampeon ay sina Olympian Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at Josie Gabuco. (ATan)
- Latest