Asian Games hosting puwede pa pero...
MANILA, Philippines - Kailangang ipakita ng pamahalaan ng Pilipinas na interesado sila na i-host ang Asian Games para makabalik ito sa bansa.
Sa Pilipinas nagsimula ang Asian Games dahil dito isinagawa ang kauna-unahang edisyon noong 1913 nang nakilala pa ito bilang Far Eastern Games.
Naulit ang hosting noong 1934 at noong binago na ang pangalan at ginawang Asian Games, ang Pilipinas ay tumayong host noong 1954 na siya ring kahuli-hulihan.
“I don’t think it’s a problem to host the Asian Games. We do have a chance bidding for it but we have to be decisive, not just the POC, this has got to be done with the help of the government,†pahayag ni POC president Jose Cojuangco Jr. nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama ni POC 1st VP Joey Romasanta at Vinod Kumar Tiwari, ang Olympic Council of Asia director para sa International and National Olympic Committee relations.
Nabuksan ang usapin sa muling pag-host ng Pilipinas ng Asiad dahil ang 2019 edition ay gagawin sa Vietnam na tulad ng bansa ay kasapi sa South East Asia.
Binanggit ni Tiwari na ang OCA ay nagdesisyon na hindi na maaaring lumampas sa 35 sports ang lalaruin sa isang Asian Games para hindi magkaroon ng problema ang host country sa paglobo ng mga partisipante.
Mangyari man o hindi ang hosting uli ng Asian Games, malalagay pa rin ang Pilipinas sa sentro ng palakasan dahil dito isasagawa ang OCA Executive Board at General Assembly Meeting mula Enero 17 at 18 sa Hotel Sofitel at Philippine International Convention Center (PICC).
Binanggit ni Tiwari na ang OCA president na si Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait ay darating ngayon at pangangasiwaan ang pagpupulong na dapat ay isinagawa noong Nobyembre pero ipinagpaliban dahil sa paghagupit ng super typhoon Yolanda sa Kabisayaan lalo na sa Tacloban, Leyte.
Tampok na usapin sa pagpupulong ay ang presenÂtasyon ng Incheon Korea para sa Asian Games sa Setyembre at sa presentasyon ng Rio de Janeiro, Brazil para sa 2016 Olympics.
- Latest