NLEX dumiretso sa ikatlong sunod na panalo
MANILA, Philippines - Pumutok muli si Garvo Lanete, habang nilimitahan ng depensa ng NLEX sa 11 puntos ang Jumbo Plastic patungo sa 89-70 panalo sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang inasahang mahigpitang laro ay hindi nangyari daÂhil kumawala ang Road Warriors sa 20-5 palitan upang ang 32-30 iskor ay lumobo sa 69-49 sa pagtatapos ng ikaÂtlong yugto.
Ito ang ikaanim na panalo sa pitong laro at pangatlong sunod ng tropa ni coach Boyet Fernandez para manatili sa mahalagang ikalawang puwesto ang Road Warriors.
“It’s still a long way for us. We’re not looking ahead and taking it one game at a time,†wika ni Fernandez sa piÂnupuntiryang awtomatikong puwesto sa semifinals.
Sinundan ni Lanete ang 24 marka sa 96-80 pangiÂngiÂbabaw sa Wangs Basketball noong Martes sa paÂmamagitan ng 27 puntos para paamuin ang ipinagmamalaking ‘big men’ ng Giants na natalo sa ikatlong pagkakataon sa 11 laro.
Si Ola Adeogun ay nagbalik at tumapos bitbit ang 14 puntos, habang si Art dela Cruz ay may 10.
May 17 puntos si Elliot Tan para balikatin ang Giants na katabla ngayon ang Hog’s Breath Café matapos ang 87-80 panalo sa NU-Banco de Oro sa ikalawang laro.
Ang panalo ay tumapos sa tatlong sunod na pagkaÂtalo ng mga bataan ni coach Caloy Garcia para masaÂyang ang naunang pitong sunod na panalo.
- Latest