Asian Men’s Volleyball Club meet isasagawa sa Pilipinas sa Abril
MANILA, Philippines - Nakinabang ang bansa sa pag-atras ng Vietnam nang igawad sa Pilipinas ang hosting ng 2014 Asian Men’s Volleyball Club Championship sa Abril.
Aabot sa 14 hanggang 16 club teams, pangunguÂna ng nagdedepensang kampeong Iran, ang sasali sa kompetisyong gagawin mula Abril 8 hanggang 16 sa The Arena sa San Juan City.
“Ang Vietnam ang dapat na host ng kompetisyon pero umatras sila. Kinausap ko ang AVC at ibinigay nila ito sa atin,†wika ni Ramon “Tats†Suzara, ang Asian Volleyball Conferederation (AVC) marketing and development committee chairman at pangulo rin ng Sportscore sa press conference kahapon sa Aracama Restaurant sa The Fort sa Global City, Taguig.
Ito ang kauna-unahang hosting sa men’s volleyball ng Pilipinas mula 2009 na kung saan ginawa sa bansa ang Asian Men’s Volleyball Championship.
“Noong 2009 ay nakita namin na marami rin ang suÂmusuporta sa men’s volleyball. Nakikita kong magiging successful ang hosting dahil sa mga personalidad na inÂvolved at maipapakita natin na ang volleyball at hindi laÂmang para sa kababaihan,†pahayag ni Philippine VolÂleyÂball Federation (PFV) secretary-general Rustico “Otie†CaÂmangian na nasa pagpupulong din.
Si PVF chairman Philip Ella Juico ay dumalo rin bukod kay PLDT HOME Broadband VP Gary Dujali na kung saan ang PLDT HOME Fibr ang siyang pangunahing sponÂsor ng kompetisyon.
May 12 players ang bubuo sa koponan.
- Latest