^

PSN Palaro

Lady Falcons dinagit ang kanilang pang-39 sunod na panalo sa UAAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinaiskor ng nagdedepensang Adamson University ang University of the Philippines sa five innings, 7-0, para sa mainit nilang ratsada sa UAAP Season 76 wo­men’s softball tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Bumato si Analia Benjamen ng isang one-hitter at si­nibak ang anim na batters ng Lady Maroons para sa pang-limang sunod na panalo ng Lady Falcons ngayong season at ika-39 sa kabuuan sapul noong 2010.

“Masuwerte at nanalo kami kahit hindi solid ang hitting,” sabi ni Adamson head coach Ana Santiago.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Lady Fal­cons para mawalis ang first round.

Nag-init ang opensa ng Adamson sa third inning nang magposte ng limang runs mula sa apat na hits na ti­nampukan ng two-run double ni Luzviminda Embudo.

Samantala, naglista ang University of Santo Tomas ng 12-5 panalo kontra sa 2013 runner-up National Uni­versity para sa kanilang 4-1 baraha at masolo ang ika­lawang puwesto.

Ito naman ang pangalawang dikit na kamalasan ng Lady Bulldogs matapos mag-akyat ng 3-0 kartada.

Umarangkada ang Tigresses sa pamamagitan ng isang seven-run spree sa bottom fourth para angkinin ang 11-5 kalamangan.

“I was expecting a close match. I’m also surprised with the way the girls were doing and hitting today,” ani UST coach Sandy Barredo.

Pinayukod naman ng University of the East ang La Salle, 16-7, sa six innings para sa kanilang 2-2 marka.

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ANA SANTIAGO

ANALIA BENJAMEN

LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY FAL

LADY FALCONS

LADY MAROONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with