^

PSN Palaro

Magiging karibal ang Myanmar sa overall standings Team Philippines sasabak sa 7th ASEAN Para Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Pambansang koponan na lalahok sa 7th ASEAN Para Games na hindi malagpa­san ng host Myanmar sa kom­petisyong itinakda mu­la Enero 11 hanggang 21 sa Nay Pyi Taw.

Dumalo sa unang ses­yon ng PSA Forum sa 2014 sa Shakey’s Mala­te kahapon si Philippine Sports Association for the Dif­ferently Abled-National Paralympic Committee of the Philippines (Philspada-NPC Philippines) chairman at founder Mike Barredo upang tiyakin na palaban lahat ang 57 atleta na lalahok sa pito sa 12 events na paglalabanan.

“Myanmar will definitely make an effort to get past us as host of the event. But we are confident we can maintain our stan­dings,” wika ni Barredo na sinamahan sa pagpupulong ni Phil­spada executive director Dennis Esta.

Ang Pambansang ko­po­nan ay lalahok sa athletics, swimming, chess, ar­chery, table tennis, po­werlifting at wheelchair bas­ketball.

Wala namang entrada ang Philspada sa boccia, goalball, football 7-a-side, football 5-a-side at sitting volleyball.

Noong 2011 Para Games sa Solo, Central Ja­va, Indonesia, ang ini­la­bang delegasyon ay na­nalo ng 23 gold, 23 silver at 18 bronze medals para tumapos sa pang-lima, habang ang Myanmar ang nasa ikaanim na puwesto bitbit ang 11 ginto, 8 pilak at 12 tansong medalya.

Tulad ng ginawa sa 27th SEA Games ay nag­dag­dag din ng events ang Myanmar na papabor sa ka­nila at binawasan ang events na mahina sila.

Dahil sa pagkilos na ito, ang Myanmar ang pu­mangalawa sa overall sa SEA Games, habang ang Pi­lipinas ay tumapos sa pi­nakamasama sa kasaysayan ng regional games sa ika-pitong puwesto sa 29 ginto, 34 pilak at 38 tanso.

Binanggit ni Es­ta na li­mang buwan na nag­sa­nay ang mga kasapi ng koponan at dalawang bu­wan sila itinira sa iisang ti­rahan para mabuo ang sa­mahan.

Magsasagawa naman ng isang simpleng sendoff ceremony ngayong alas-2 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City at inaasahang dadalo ang mga opisyales ng PSC, British Embassy, New Vois Asso­ciation of the Philippines at Pilipinos With Disabilities Inc. (PWD).

ABLED-NATIONAL PARALYMPIC COMMITTEE OF THE PHILIPPINES

ANG PAMBANSANG

BRITISH EMBASSY

CENTRAL JA

DENNIS ESTA

MIKE BARREDO

MYANMAR

PARA GAMES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with