^

PSN Palaro

Ildefonso pinapirma ng Bolts

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon pa ng pagkakataon si Danny Ildefonso na maipakita ang husay sa paglalaro sa 2013-14 PBA season nang kunin siya ng Meralco Bolts.

Ito lamang ang ikala­wang koponan na pag­lalaruan ng 6’6  na si Ildefonso sa kanyang 16-taon sa liga at napapirma siya ng Bolts bilang isang unres­tricted free agent matapos pakawalan ng Petron Blaze sa pagtatapos ng 2012-13 season.

Bago ang Petron, isi­nuot muna ng dating National  University center ang uniporme ng San Miguel Beerman na kung saan na­pagwagian niya ang da­lawang Most Valuable Player awards.

Sa edad na 37,  nakikita ni Meralco coach Ryan Gregorio na palalakasin ni Ildefonso ang center slot at patitibayin niya ang imahe ng koponan gamit ang kanyang malawak na karanasan.

“I honestly believe that Danny I still has what it takes to compete at a high level in the PBA. He has been aching for teams to give him a venue to display what he has, and we are more than willing to provide him the platform,” ani Gregorio.

Noong 1998 pumasok sa PBA si Ildefonso nang kunin ng Shell bilang number one pick sa draft. Pero ipinagpalit siya sa San Mi­guel Beer para kay Noy Castillo at iba pang bagay tulad ng cash.

Hindi naman nagkamali ang Beermen dahil sa kanyang ikatlong taon ng paglalaro sa PBA ay nanalo siya ng MVP title noong 2000 at nagawa uli ito sa sumunod na taon upang maihanay kina William “Bogs” Adornado at Alvin Patrimonio bilang mga  natatanging manlalaro na  nakagawa nito.

May walong championship titles din si Ildefonso na isang 8-time PBA All-Star na  nanalo ng All-Star Game  MVP  noong 2001.

Napasama rin siya sa Philippine team na nag­laro sa 2002 Busan Asian Games.

Sa huling taon sa Petron, siya ang nagdagdag sa kaalaman sa mga post moves ni 6’10 June Mar Fajardo na isa ngayon sa tinitingala sa hanay ng mga malalaking players sa pro league.

vuukle comment

ALL-STAR GAME

ALVIN PATRIMONIO

BUSAN ASIAN GAMES

DANNY I

DANNY ILDEFONSO

ILDEFONSO

JUNE MAR FAJARDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with