^

PSN Palaro

Unang laban sa UFC gagawin sa Singapore

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Singapore ang la­la­bas na unang bansa sa South East Asia na pagdarausan ng Ultimate Fighting Championship (UFC).

Ito ay matapos magde­sisyon ang UFC na gawin ang Fight Night 34 sa Marina Bay Sands sa Singapore bukas.

Bago ito ay naunang ikinonsidera ang Pilipinas para dito sana buksan ang unang UFC event sa taon.

Nagkaroon ng pag-asa ang Pilipinas na makapag-host ng UFC nang duma­ting sa bansa si UFC Asia chief Mark Fisher noong na­karaang taon.

Ang UFC ay patok sa Asian countries na Japan at South Korea habang umaani ng fan base na rin sa South East Asia.

Sampung laban ang matutunghayan sa UFC Fight Night 34 at ito ay katatampukan ng pagkikita nina Hyun Gyu Lim ng South Korea laban kay Tarec Saffiedine ng Finland.

Sa dalawang ito, si Hyun ay bumisita na sa ban­sa at naipakita ang ang­king husay nang nasama sa card na gawa ng Guam-based Pacific X-Treme Cagefighting, dalawang taon na ang nakalipas.

ANG SINGAPORE

FIGHT NIGHT

HYUN GYU LIM

MARINA BAY SANDS

MARK FISHER

PACIFIC X-TREME CAGEFIGHTING

PILIPINAS

SOUTH EAST ASIA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with