Pagtatapos at bagong simula sa Philippine Sports
Maituturing na isang roller coaster ride ang taong 2013 sa mundo ng sports sa Pilipinas.
Maraming luha, sakit (at hinananakit), saya, at pag-asa ang lumutang sa palipas na taong 2013.
Sino ang makakalimot sa pagbabalik ng bansa sa basÂketball mula sa mundo ng kawalan papunta sa maituturing na pinakamalaki (at nakakahumaling) na paghahabol sa para sa dalawang slots sa FIBA Asian Championships sa Mall of Asia Arena. Kasama ako sa milyong Pilipino na inaabangan ang bawat panalo at lumuha sa bawat laban ng Filipino cagers noong Agosto.
Hindi rin natin makakalimutan ang pagbabalik ni Manny Pacquiao makaraang manalo kay Brandon Rios sa Macau. Hinatak ang laban sa 12 rounds pero kitang-kita sa bawat round ang pagbabalik ng determinasyon ni Pacquiao na makabalik muli sa spotlight.
Pero sabi nga ang Bagong Taon ay para sa mga “bagong simula†at bagong “resolusyonâ€. Sa kolum nating ito ihahatid ko ang aking samutsaring mga “kahilingan†at “pangarap†para sa Philippine sports na nais nating makamit sa 2014.
1. Pagbabagong-bihis ng polisiya ng Philippine Sports Commission. Sa nakaraang taon, marami ang hindi nasiyahan sa mga polisiya ng PSC na tila ang pinagtutuunan lamang yung nasisiyahan ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee. Maganda at magaling na may pagkakaisa ang PSC at POC, hindi naman sa punto na ang hangad lamang ay ang interes ng iisang tao at hindi ang kalagayan ng sports sa bansa mismo. Matagal na nating sinasabi na kinakailangan nating buÂmalik sa grassroots kung nais nating mabuhay ang Philippines sports. Bukod dito, kinakailangang gamitin ng PSC sa matino at praktikal na paraan ang kakatiting na pondo sa sports.
2. Mas makita ng mga mambatas ang tunay na kahulugan ng de-kalidad na sports. Kadalasan ang mga mambabatas natin dito sa Pilipinas ay ginagamit lamang ang sports para sila ay mapansin, at hindi ang sports. Kung makikita ng ating mga mambabatas ang tunay na kahalagahan ng sports mas mabibigyan ng sapat na pondo ang mga programa para rito.
3. Pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sector upang mabigyan ng sapat na tulong ang mga atleta na nagsisimula pa lamang. Kadalasan nawawalan ng gana ang mga may potensyal na atleta dahil sa kakulangan ng sapat na suporta mula sa gobyerno at sa pribadong sector.
4. Pagsikat ng mga purong atletang Pilipino sa iba’t ibang internasyunal na kumpetisyon at pagdisÂkubre pa ng mas mahuhusay na mga atleta na maaaring pumalit sa kanila. Ito ang kulang sa atin, hanggang ngayon, ang mahusay na turnover ng mga purong talentong Pilipino.
5. At siyempre pa, mas marami pang magbasa ng PSN. Salamat sa inyong pagtangkilik sa PSN Sports sa taong 2013. At sa papasok ng taon, pangako namin ay mas mahusay na coverage at pagbibigay ng impormasÂyon sa mga paborito ninyong sports.
Maligayang Bagong Taon sa lahat.
- Latest