Performance audit ipapagawa sa PSC
MANILA, Philippines - Maghahain ng resolusÂyon sa Kongreso si CagaÂyan de Oro Congressman Rufus Rodriguez para ataÂsan ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) na magsagawa ng ‘performance audit’ para malaman ang kadahilanan ng paglapag ng Pilipinas sa ika-pitong puwesto sa 27th SEA Games sa Myanmar.
“There has to be a prognosis or a performance audit on what relly is the problem of sports in the country and the solutions to the problem,†wika ni Rodriguez na isa ring board member ng Philippine Amateur Track and Field Association.
Nanalo lamang ng 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals ang 210 atletang inilaban ng bansa sa SEAG para tumapos sa pinakamaÂsama sa kasaysayan ng pagsali sa tuwing ikalawang taong kompetisyon na pang-pito.
Ang track and field team ang siyang nagdala sa laban ng bansa matapos kumulekta ng anim na ginto, apat na pilak at tatlong bronze medals para maging pinakaproduktibong NSA sa Myanmar.
Tinuran pa ni Rodriguez na ang Pilipinas ang siyang tinitingala kung paglago ng ekonomiya sa rehiyon ang pag-uusapan kaya’t hindi katanggap-tanggap ang paglebel ng bansa sa mabababang bansa sa paÂlakasan na Laos, Cambodia at Timor Leste.
“The PSC has the jurisdiction to improve sports in the country and we would want them to make a performance audit that is general in scope and a performance audit per sport so we would also know what the sports are doing,†dagdag ni Rodriguez.
- Latest