Matapos iendorso ni GTK bilang PATAFA head tamang proseso nais ni Juico
MANILA, Philippines - Hihintayin ni dating PSC chairman Philip Ella Juico ang tamang proseso bago tanggapin ang pagkilala bilang pangulo ng PATAFA.
Si Juico na ang napiÂpintong papalit sa paalis ng pangulo na si Go Teng Kok na mismong iendorso ng kasaluyang PATAFA chairman sa pulong pambalitaan na ginawa kahapon sa Orchids Garden.
“Alam ko naman kung sino ang dapat at walang iba kungdi siya dahil malaki na ang naitulong niya sa akin,†wika ni Go na humarap sa mamamahayag sa unang pagkakataon matapos maospital ng dalawang buwan mula Hulyo.
Nagdesisyon si Go na iwan ang puwestong hinaÂwakan sa 22 taon dahil sa kanyang karamdaman at ang patuloy na pagdedeklara sa kanya bilang persona-non-grata ng PhiÂlippine Olympic Committee (POC).
Si Atty. Nicanor Sering na dumalo rin sa pagpupulong kasama si Congressman Rufus Rodriguez, ang siyang tinokahan ni Go na dumalo sa mga pagpupulong sa POC at PSC.
Nauna rin siyang nagbalak na tumakbo sa presidency pero napakiusapan na ibigay na kay Juico para mapanatili ang pagkakaisa sa PATAFA.
Hinihintay na lamang ng NSA na lumabas bilang pinakaproduktibo sa 27th Myanmar SEA Games sa naÂkuhang anim na ginto, apat na pilak at tatlong bronÂze medals, ang cleaÂrance mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) para makapagdaos ng eleksyon.
Paso ang SEC registration ng PATAFA pero naÂisaayos na ito at ang cleaÂrance ay maaaring lumabas na sa Pebrero.
Tanggap ni Juico ang endorsement pero mas magandang hintayin na maÂayos ang lahat saka pormal na ilagay ang sarili bilang pangulo ng PATAFA.
“What we want to do is to follow the processes and procedures to legitimize the election. Once all of those things (SEC) are sorted out properly and the elections are held in a transparent way and in compliance with the requirements, I will, of course, accept the leadership of the track and field association,†wika ni Juico.
Si Juico ang siyang kumatawan kay Go sa Myanmar SEA Games at hindi siya nangimi na itinuro si Go na siyang tunay na dahilan kung bakit nagtagumpay ang mga batang atleta na natuklasan sa panahon ng panunungkulan ng kontroÂbersyal na PATAFA head.
- Latest