Pamamahala sa Teacher’s Camp, ililipat na ng PSC sa Baguio City
MANILA, Philippines - Nais ng Philippine Sports Commission (PSC) na ibigay ang pamamahala ng ilang bahagi ng TeaÂcher’s Camp sa Baguio City.
Isa sa nais ng PSC na hawakan ang pamamahala ay ang track oval na siyang ginagamit ngayon na lugar na pinagsasanayan ng national athletics team.
Matatandaan na ang mga laro ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni Go Teng Kok, ay gumawa ng marka sa katatapos na Myanmar SEA Games matapos manalo ng anim na ginto na siyang pinakamarami sa mga National Sports Associations (NSAs) na sumali sa kompetisyon.
Naiparating na ni PSC chairman Ricardo Garcia ang pagnanais na ito sa House Committee on Youth and Sports Development na pinamumunuan ni Davao del Norte 1st District Congressman Anthony del Rosario.
Ang Teachers Camp ay pinamamahalaan ng Department of Education kaya’t ang nais ng PSC na ayusin ang track oval ay hindi makumpleto dahil sa pangambang masayang ito dahil masisira agad ito dahil walang control ang ahensya sa paggamit ng pasilidad.
Naunang sinabi ni Congressman Del Rosario na pipilitin ng Kongreso na taÂpusin ang mga batas na tutukoy sa ikagaganda ng sports ng bansa sa 2014.
- Latest