^

PSN Palaro

PSC itotodo ang suporta kay Caluag sa Asian Games

ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung may isang atleta na tiyak na susuportahan ang PSC para sa Asian Games, ito’y walang iba kundi ang BMX rider na si Daniel Caluag.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, bibigyan nila ng lahat ng suporta si Caluag lalo pa’t isa siya sa mga tunay na palaban sa gintong medalya sa gaga­naping Asian Games sa Incheon, Korea mula Set­yembre 19 hanggang Oktubre  4, 2014.

“We will invest on our athletes who are gold medal potentials for next year’s Asian Games and one of them is Caluag,” wika ni Garcia.

Hindi nagdadalawang-isip ang PSC na tutukan ang Fil-Am rider dahil naipakita na niya ang kanyang kalidad sa Asian level matapos maging bukod-tanging BMX cyclist na nakapasok sa London Olympics sa Asya.

“He is the only Asian BMX rider who qualified for the London Olympics. Hindi siya isang wild card entry kungdi nag-qualify siya,” pagdidiin ni Garcia.

Sariwa si Caluag sa paglahok sa SEA Games sa Myanmar at madali niyang dinomina ang kanyang event at ang nakalaban pa niya ay ang nakababatang kapatid na si Chris na tutustusan din ng PSC.

Mahalaga ang Asian Games sa sports program ng bansa dahil ito ay isa sa magiging basehan ng mga manlalaro na puwedeng maging kinatawan sa 2016 Rio de Janiero Olympics.

Matapos ang Asian Ga­mes ang susunod na kompe­tisyon ay ang SEA Ga­mes sa Singapore sa 2015 na gagamitin din para sipatin ang mga kandidato para sa 2016 Olympics.

“Our end goal is to win the country’s first ever-gold medal in the Olympics. After the Asian Games, we will have the 2015 SEA Games in Singapore. These tournaments will help us assess our athletes on who will be out bets for the 2016 Olympics,” ani pa ni Garcia.

Ang athletics na nanggulat sa Myanmar SEA Ga­mes matapos manalo ng na­ngungunang anim na ginto, ay isa rin sa mga tutulungan ng PSC matapos ihayag ni American coach Ryan Flaherty na ang tracks­ters ay puwedeng maging panlaban sa Asian Games kung bibigyan ng mas malawak na exposures.

AFTER THE ASIAN GAMES

ASIAN

ASIAN GA

ASIAN GAMES

CALUAG

GAMES

GARCIA

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with