MANILA, Philippines - Ang mga National Sports Associations sa basketball, athletics, boxing at wushu ang lumalabas na pangunahing kandidato para sa NSA of the Year award na ibibigay sa Philippine Sportswriters’ Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 25.
Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pinangungunahan ni telco tycoon at sports patron Manuel V. Pangilinan ay kandidato matapos ang pag-abante ng Gilas Pilipinas at Junior Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon, na unang nangyari sa mahabang panahon sa Philippine basketball.
Nagpasikat naman ang athletics delegation sa katatapos na 27th SEA Games sa Myanmar nang manalo ng anim na ginto sa pangunguna ni Archand Christian Bagsit na may dalawang ginto sa 400m individual at 4x400m relay events, upang masama sa pagpipilian ang Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).
Ang Alliance of Boxing Associations of the Philippines (ABAP) at Wushu Federation of the Philippines (WFP) ay nasama rin dahil din sa produktibong kampanÂya sa SEA Games.
May tatlong gintong medalya ang ABAP sa pamumuno ni Ricky Vargas sa SEAG ngunit mas marami sana ito kungdi nabiktima ng kuwestiyonableng desisÂyon sina Nesthy Petecio at Wilfredo Lopez nang nakaharap ang mga Brunese boxers sa gold medal bouts.
Ang wushu artists naman ang siyang nagbukas sa kampanya ng Pilipinas sa SEAG sa paghagip ng tatlong gintong medalya.
Tampok na parangal na ibibigay sa gabi ay ang Athlete of the Year award na pinaglalabanan ng Gilas Pilipinas bunga ng pagpasok sa bansa sa FIBA World Cup bukod sa mga pool players Dennis Orcollo, Lee Van Corteza at Rubilen Amit.
Sina Orcollo at Corteza ang nagtambal para ibalik sa Pilipinas ang titulo sa World Cup of Pool. Si Orcollo ay nanalo rin ng ginto sa SEA Games bukod sa bronze medal sa World Games habang si Corteza ang kinilalang kampeon sa China Open.
Si Amit ang nagdomina sa World Women 10-ball Champonship na kanyang ikalawang kampeonato sa torneo. Nilakipan ni Amit ang magandang taon nang kunin ang ginto sa 10-ball sa SEAG.
Si Manny Pacquiao ang siyang inimbitahan para maging guest of honor at speaker sa pormal na seÂremonya na suportado rin ng Smart Sports, Milo, Philippine Sports Commission, Air21, Globalport, Philippine Basketball Association, Accel, Philippine Amusement and Gaming Corp. at Rain of Shine.
Igagawad din sa seÂreÂmonya ang Executive of the Year at Presidential Achievement, Lifetime Achievement at Milo Junior Athlete Awards.
May ipamimigay Tony Siddayao Award para sa mga batang atleta na nagpakita ng galing sa taong 2013 bukod pa sa mga citations at posthumous awards.
Mangunguna sa mga tatanggap sa citations ay ang mga gold medallists ng Myanmar SEA Games.