^

PSN Palaro

James inilusot ang Heat sa Hawks sa overtime

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Kumamada si LeBron James ng 38 points, habang nagsalpak naman si Michael Beasley ng dalawang free throws sa nalalabing 9.2 segundo para tulungan ang Heat sa 121-119 overtime victory kontra sa Atlanta Hawks.

Nagtala ang Heat ng 13-0 abante bago humabol sa isang seven-point deficit sa huling 90 segundo sa fourth quarter.

Tumipa si Ray Allen ng tatlong free throws sa natitirang 8.0 segundo sa regulation para akayin ang Miami sa overtime.

Tumapos si Allen na may 19 points at nagdagdag si­na Mario Chalmers at Chris Andersen ng tig-12 points ka­sunod ang 11 ni Chris Bosh para sa Heat na naglaro na wala si Dwyane Wade.

Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng Miami la­ban sa Atlanta.

Umiskor si Jeff Teague ng 26 points para sa Hawks, habang may 25 si Paul Millsap na naglista ng pitong 3-pointers.

Sa Orlando, tinalo ng New York Knicks ang Magic, 103-98, sa kabila ng paglisan sa laro ni forward Carmelo Anthony.

Kumolekta si Anthony ng 19 points bago magkaroon ng sprained left ankle sa 7:26 ng third period.

ATLANTA HAWKS

CARMELO ANTHONY

CHRIS ANDERSEN

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

JEFF TEAGUE

MARIO CHALMERS

MICHAEL BEASLEY

NEW YORK KNICKS

PAUL MILLSAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with