^

PSN Palaro

Lady Bullpups winalis ang 1st round

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng National Uni­versity ang La Salle-Zobel, 15-25, 23-25, 25-8, 25-22, 15-10, para makum­pleto ang first round sweep sa UAAP Season 76 high school volleyball kama­kailan sa UE Caloocan gym.

Ito ang ika-limang sunod na panalo ng Lady Bull­pups upang ipakita ang kakayahang manalo kahit wala na ang 6’4 na si Jaja Santiago na naglalaro na sa senior team Lady Bulldogs.

Tinapatan ng Bullpups ang malinis na karta ng girls team nang pabagsakin ang nine-time champion UE, 12-25, 25-21, 26-24, 26-24, sa boys division

Ang UST ang puma­nga­lawa sa NU sa girls di­vision sa 4-1 baraha at pinabagsak nila sa huling laro ang Adamson, 25-14, 25-20, 25-14.

Ang La Salle-Zobel ang nasa ikatlong puwesto sa 3-2 baraha at iniinda nila ang pagkawala ni dating MVP Kim Dy.

Nasa ikalawang puwesto sa boys division ang UE sa 4-1 baraha habang ang Ateneo na nanaig sa La Salle-Zobel, 25-18, 25-18, 25-22, ang nasa ikatlong puwesto sa 3-2 karta.

Magbabalik ang liga sa Enero 11 sa pagsisimula ng second round.

 

vuukle comment

ADAMSON

ANG LA SALLE-ZOBEL

JAJA SANTIAGO

KIM DY

LA SALLE-ZOBEL

LADY BULL

LADY BULLDOGS

NATIONAL UNI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with